Kauuwi ko lang. Oo, pagod! Pero mejo, nabawas-bawasan ang bigat na bitbit ko kanina dala ng sira-sirang mga units sa speech lab! Anak ng dakilang lintik talaga! Nagkakaproblema na nga tayo sa pagsasaayos upang masimulan ang dapat masimulan. Panay ingay ang mga "anghel" My GED! Hahai... Kaya ayun, nagtalumpati si Ma'am sa harap. Hmp! Buti nalang, napawi ng pangalawa at pangatlo kong klase ang aking sobrang galit. Buti nalang din at nakatulog ako sa faculty room bago ako sumugod sa sumunod na pakikipagsagupaan sa klase. Matapos kong pahirapan ang mga anak ng Diyos. Hhehee... Inikot ko ang "GUSALI" para mabahiran lamang ng tinta ng aming mahal na Subject Area Coordinator at Librarian ang mumunting papel na magpapahintulot sa aking gumamit ng AVR 1. Whew! Tapos kong pahirapan ang aking magandang sarili... Hahaha... Nagbihis ako upang makapagensayo sa darating na teachers day. Ngayon, kung sa tingin nyo madali yun? Tama kayo! Kasi madali nga namang sabihin ang kahit anong bagay. Ang malungkot dyan ay ang pagsasakatuparan ng mga sabat na yan! Huhuhu... Sasayaw kami ng hiphop sa Feb 15. Naku! Mukhang masisira pa ang Valentines day ko nito. Bwahahaha... Animo'y may sisirain ano? Hahahaa.. Aw... Noong nakaraang linggo pa kami nageensayo. Ayos naman kaso lang ang BILIS! Wohuuuu.... huhuhu... Hahai, naway mapagbuti ko ang aking paggalaw sa entablado sapagkat hangad ko lang ang ngiti sa mukha ng aking mga mag-aaral at wala na akong hihilingin pa. :P Good luck sa akin! Isipin nyo. Nilak2 ko ang Ion kanina plus tsokolate pa! Hindi ako pedeng matulog ng maaga. May leksyon pa ako na dapat isipin at gawin. Tatlong linggo nalang! Hahaha... GO MISS BARRIGA!
PS. Trying hard na tagalog ko na toh. Ang pawis ko oh! Whew! Nakaraos din! :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
hahahhaa...and why in tagalog?
Post a Comment